Mga Pangunahing Paniniwala Sa Bibliya

Ang mahalagang mga bahagi na ito ng doktrina sa Bagong Tipan ay ilan sa pangunahing mga turo sa Iglesya ng Diyos. Hindi lahat ng samahan ng iglesyang Kristiyano ay itinuturo itong mga bahagi ng doktrina nang pareho. Ang Iglesya ng Diyos ay tinatanggap ang buong Bibliya, nang matuwid at pinanghahawakan itong banal na mga katotohanan na sa kanila'y ipinahayag sa mga Kasulatan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang lahat ng magiging miyembro ng Iglesya ng Diyos ay kailangan tanggapin ang sumusunod na tipan nang may pagsang-ayon: "Taos puso mo bang ipinangangako sa harap ng Diyos at sa mga saksing ito na iyong tinatanggap itong Bibliya bilang Salita ng Diyos &ndash paniniwalaan at isasagawa ang mga aral nito nang matuwid &ndash ang Bagong Tipan bilang tuntunin ng iyong pananampalataya at pagsasanay, pamahalaan at disiplina, at lumakad sa liwanag sa abot ng iyong kaalaman at kakayahan?" Ito ay isang "walang hanggang tipan na hindi malilimutan."

Pagsisisi

Ang pagsisisi ay gawa ng pagtalikod at pag-iwas sa kasalanan. Basahin sa Marcos 1:15; Lucas 13:3; Mga Gawa 3:19.

Ikaaaring-Ganap

Ang ikaaaring-ganap ay isang kalagayan at isang gawa. Ito ay ang kalagayang naalis na kasalanan sa Diyos sa pamamagitan ng gawa ng kapatawaran ng Diyos sa mga kasalanan ng isang nagsisi. Tingnan sa Mga taga Roma 5:1-9; Tito 3:7.

Pagbabagong-Lahi

Ang pagbabagong-lahi ay isang gawa ng Diyos sa pusong inaring-ganap kung saan ang bagong espirituwal na buhay ay muling nabago. Tingnan sa Tito 3:5. Ang pagbabagong-lahi ay kasabay ng bagong ipinanganak sa espirituwal. Tingnan din sa Mateo 19:28.

Ipinanganak Na Muli

Ang ipinanganak na muli ay ang maging bagong nilalang kay Cristo at maging isang anak ng Diyos. Ang bagong ipinanganak sa espirituwal ay bunga ng pagsisisi, ikaaaring-ganap at pagbabagong-lahi at sinasamahan ng isang tiyak na panloob na patotoo. Tingnan sa Juan 3:3; 1 Pedro 1:23; 1 Juan 3:9. Ang bagong ipinanganak sa espirituwal ay isang pangunahing kailangan para sa karanasan ng pagpapakabanal.

Pagpapakabanal

Ang pagpapakabanal ay ang pangalawang tiyak na gawa ng biyaya, isang dagliang gawa na dala ng binagong puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa dugo ni Cristo. Sa pagbabagong-lahi ang nagawang pagkakasala ay pinatawad na, subalit sa pagpapakabanal ang kalikasang maka-Adan, o likas na kasalanan, ay naalis na. Ang pagpapakabanal ay ibinabalik ang tao sa banal na kalagayan ni Adan bago ang pagkahulog niya sa kasalanan, at ibinigay sa kaniya ang biyaya na mamuhay ng isang buhay na may kabanalan, kung kaya ginawa siyang karapat-dapat para panahanan ng Espiritu Santo. Ang pagpapakabanal ay kasunod ng ikaaaring-ganap. Tingnan sa Roma 5:2; 1 Corinto 1:30; 1 Tesalonica 4:3; Hebreo 13:12; 1 Juan 1:9.

Kabanalan

Ang kabanalan ay kalagayan ng pagiging malaya mula sa kasalanan, isang kalagayang maaaring magawa sa pamamagitan ng karanasan ng pagpapakabanal. Kinakailangan ng Diyos ang tao na mamuhay ng walang kasalanan sa kasalukuyang mundong ito at naglaan ng tulong sa pamamagitan ng dugong tumigis kay Cristo. Tingnan sa Lucas 1:74, 75; 1 Tesalonica 4:7; Hebreo 12:14.

Bautismo Sa Tubig

Ang bautismo sa tubig ay ang gawa ng paglubog sa tubig ayon sa mga sinabi ni Cristo. Gayon pa man ang kautusang ito ay walang kapangyarihang maghugas ng kasalanan, ito'y kumakatawan sa kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na muli ni Cristo. Sa mga naipanganak nang muli lamang ang karapat-dapat na mabautismuhan sa tubig. Tingnan sa Mateo 28:19; Marcos 1:8-10; Juan 3:22, 23; Mga Gawa 8:12, 36-38; 10:47, 48; 16:33.

Bautismo Sa Espiritu Santo

Ang bautismo sa Espiritu Santo na kasunod sa pagpapakabanal ay ang pagkakaloob ng kapangyarihan sa paglilingkod. Ang bautismong ito ay sinasamahan lagi ng patunay na pagsasalita ng ibang mga wika habang ang Espiritu ay nagbibigay ng sasabihin. Ito ay nagpupuno sa templo na ginawa nang malinis sa pamamagitan ng pagpapakabanal at isang handog ng Diyos sa kasagutan sa panalangin ni Cristo. Basahin sa Mateo 3:11; Lucas 24:49-53; Mga Gawa 1:4-8.

Pagsasalita Ng Mga Wika

Ang pagsasalita ng mga wika habang ang Espiritu ay nagbibigay ng sasabihin ay tanda ng pisikal na katibayan ng bautismo sa Espiritu Santo. Ito ay hiwalay at iba sa kaloob ng mga wika, na isa sa siyam na mga kaloob ng Espiritu. Juan 15:26. Basahin din Mga Gawa 2:4; 10:44-46; 19:6.

Ganap Na Panunumbalik Ng Mga Kaloob Sa Iglesya

Ang mga kaloob ng Espiritu ay inilagay sa Iglesya upang pangunahan ng Espritu ayon sa kalooban ng Diyos. Sila ay nahahayag sa pamamagitan ng bawa't isang miyembro. Ang mga kaloob ay ibinigay sa Iglesya at hindi sa tao. Ang mga kaloob na ito ay pinangungunahan lahat sa sinaunang Iglesya at pinanumbalik sa Iglesya sa mga huling araw na ito. Tingnan sa 1 Corinto 12:1, 7-10, 28,31; 1 Corinto 14:1.

Mga Tanda Na Lalakip Sa Mga Mananampalataya

Mga kahima-himalang tanda ang sasama sa paggawa at ministeryo ng mga tunay na mananampalataya. Tingnan sa Marcos 16:17-20; Roma 15:18, 19; Hebreo 2:4.

Bunga Ng Espiritu

Ang buhay na puno ng Espiritu ay ihahayag ang bunga ng Espiritu, ito ay pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pananampalataya, kaamuan, at pagpipigil. Ang mga katangiang ito ay banal na nagsimula at lumabas mula sa isang pusong puno ng Espiritu. Tingnan sa Roma 6:22; Galacia 5:22, 23; Efeso 5:9; Filipos 1:11.

Banal Na Pagpapagaling

Ang pagpapakahirap ni Cristo ay hindi lamang inilaan sa kaligtasan ng mga kaluluwa ng mga tao kundi para din sa kagalingan ng pisikal na karamdaman ng mga tao. Ang banal na pagpapagaling ay kagalingang natapos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos at nakalaan para sa lahat ng naniniwala, tulad ng kaligtasan. Basahin sa Awit 103:3; Isaias 53:4, 5; Mateo 8:16,17; Santiago 5:14-16; 1 Pedro 2:24.

Ang Banal Na Hapunan Ng Panginoon

Ang Banal na Hapunan ay itinatag ni Cristo at ito ay isang banal na kautusan na iniutos sa atin na ganapin sa pag-alaala kay Cristo at sa Kaniyang kamatayan. Ang walang kasalanan lamang at mga Kristiyanong hinandog ang kanilang sarili ang karapat-dapat na makasalo sa Hapunang ito. Tingnan sa Lucas 22:17-20; 1 Corinto 11:23-33.

Paghuhugas Sa Mga Paa Ng Mga Banal

Ang paghuhugas ng mga paa ay itinatag ni Jesus noong gabi ng Huling Hapunan at ito'y isang kautusan sa Bagong Tipan na iniutos sa atin na ganapin. Ang pagtupad na ito ay itinuro sa pamamagitan ng mga apostol at isinagawa sa pamamagitan ng sinaunang Iglesya. Tingnan sa Juan 13:4-17; 1 Timoteo 5:10.

Pag-Iikapu At Pagkakaloob

Ang pag-iikapu ay ang pagbabayad ng ikasampung bahagi ng ating kinita sa ingatang-yaman ng Iglesya. Ito ay nagpasimula kay Abraham, nagpatuloy sa ilalim ng kautusan at tumanggap ng pagsang-ayon ni Cristo. Ang pagkakaloob ay iba at ito ay karagdagan sa pag-iikapu. Ito ay kapwa bahagi ng plano ng Diyos upang tulungan sa pananalapi ang Kaniyang gawain sa mundo. Basahin sa Genesis 14:18-20; 28:20-22; Malakias 3:10; Mateo 23:23; Lucas 11:42; 1 Corinto 16:2; 2 Corinto 9:6-9; Hebreo 7:1-21.

Ang Pagsasauli Hanggang Maaari

Ang pagsasauli ay ang pagbabalik ng anumang bagay na kinuha sa masamang paraan o ang pagbabayad sa ginawan ng masama. Nais ng Diyos sa mga nagbalik-loob na gawin ito hangga't maaari. Tingnan sa Mateo 3:8; Lucas 19:8, 9; Roma 13:8.

Ang Pangalawang Pagdating Ni Jesus Bago Magsanlibong Taon

Una, upang buhayin ang mga banal na namatay at kunin ang mga banal na buhay para salubungin Siya sa alapaap. Basahin sa Mateo 24:27, 28; 1 Corinto 15:51, 52; 1 Tesalonica 4:15-17. Pangalawa, upang maghari sa lupa ng isang libong taon. Basahin din sa Zacarias 14: 4, 5; Lucas 1:32; 1 Tesalonica 4:14; 2 Tesalonica 1:7-10; Judas 14, 15; Pahayag 5:10; 19:11-21; 20:4-6.

Muling Pagkabuhay

Ang lahat ng mga patay ay muling bubuhayin. Ang matuwid na namatay ay muling bubuhayin sa muling pagkabuhay yaon ang pagpapakita ni Cristo. Ang muling pagkabuhay ng mga makasalanang namatay ay magaganap pagkatapos ng isang libong taong paghahari ni Cristo sa lupa. Tingnan sa Isaias 26:19; Daniel 12:2; Juan 5:28, 29; Gawa 24:15; Pahayag 20:5, 6.

Buhay Na Walang Hanggan Para Sa Matuwid

Ang mga namatay sa Panginoon at sa mga naglilingkod sa Kaniya sa muli Niyang pagbabalik ay tatanggap ng gantimpalang buhay na walang hanggan. Basahin sa Mateo 25:46; Lucas 18:30; Juan 10:28; Roma 6:22; 1 Juan 5:11-13.

Walang Hanggang Kaparusahan Para Sa Makasalanan

Ang hindi nagbalik-loob at ang makasalanan ay hahantong sa walang hanggang kaparusahan, na doon ay walang makatatakas &ndash walang pagpapalaya o pagpuksa. Tingnan sa Mateo 25:41-46; Marcos 3:29; 2 Tesalonica 1:8, 9; Pahayag 20:10-15; 21:8.

Lubos Na Pag-Iwas Sa Lahat Ng Alak O Inuming Matatapang

Ang Bibliya ay malinaw na ipinagbabawal ang pag-inom ng nakalalasing na mga inumin. Kahit kaunting pagtikim ay hindi makapag-iingat sa pamantayan ng Kasulatan ng kabanalan. Basahin sa Kawikaan 20:1; 23:29-32; Isaias 28:7; 1 Corinto 5:11; 6:10; Galacia 5:21.

Labag Sa Paggamit Ng Anumang Uri Ng Tabako, Opyo, Morpina, At Iba Pa

Ang paggamit ng tabako at ang palagiang paggamit ng mga narkotiko ay mga makasalanang gawain na nakakasira sa katawan, ang templo ng Espiritu Santo, at isang panlabas na katibayan ng isang maruming puso. Tingnan sa Isaias 55:2; 1 Corinto 10:31, 32; 2 Corinto 7:1; Efeso 5:3-8; Santiago 1:21.

Sa Mga Pagkain At Inumin

Ang Bagong Tipan ay walang mahigpit na kautusan tungkol sa kung ano ang kakainin o iinumin ng mga Kristiyano (maliban sa matatapang na inumin). Wala tayong karapatang hatulan kung ano ang kinakain o iniinom ng ating kapatid. Basahin sa Roma 14:2-3, 17; 1 Corinto 8:8; 1 Timoteo 4:1-5.

Sa Sabbath

Ang pagtupad sa Sabbath ay kinakailangan sa kautusan ng mga Hudyo at ito ay hindi nagpatuloy sa Panahon ng Biyaya. Ang araw ng Linggo ay hindi Sabbath subalit ito ay isang araw lamang na itinakda upang bigyan ng katangi-tanging pagpansin sa pagsamba sa Diyos. Sa halip na araw ng Sabbath lamang maging banal, tayo ay kinakailangan sa panahong ito na mapanatiling banal sa araw-araw. Ang Sabbath ng mga Hudyo ay isang halimbawa ni Cristo, na Siya ang kapahingahan natin, sa halip na ang araw. Tingnan sa Hosea 2:11; Roma 14:5, 6; Colosas 2:16, 17.

Labag Sa Pagsusuot Ng Ginto Para Palamuti

Labag sa pagsusuot ng ginto para palamuti o pang-gayak tulad ng mga singsing, pulseras, hikaw, kuwintas, at iba pa. Ang mga palamuting ginto at iba pang mga mamahaling metal ay mga katibayan ng isang pusong mapagmataas at hindi dapat sa isang anak ng Diyos. "Na ang kanilang paggagayak na tinitirintas ang buhok, at ang pagsusuot ng ginto, o pagbibihis ng maringal na damit; kundi ang pagkataong natatago sa puso ng tao, na iyan ay walang kasiraan, kapareho ng maringal na damit ng isang maamo at payapang espiritu, na may malaking halaga sa paningin ng Diyos" (1 Pedro 3:3, 4). Basahin sa 1 Timoteo 2:9; 1 Juan 2:16.

Labag Sa Pagsapi Sa Mga Kapisanan

Ang Bibliya ay hindi ayon sa mga tao ng Diyos na nakikisalamuha at pumapanig sa mga hindi mananampalataya; ito ay laban sa mga gawaing ginagawa sa lihim. Maraming lihim na mga kapisanan na kailangan ang isang panunumpa, na sadyang ipinagbabawal sa Kasulatan. Basahin sa Mateo 5:34; Juan 18:20; 2 Corinto 6:14-17; Santiago 5:12.

Labag Sa Panunumpa

Ang panunumpa ay isang walang kabuluhang bagay at ipinagbabawal sa Banal na Kasulatan. Ang pagpapahayag ng katotohanan sa anumang bagay ay sapat na. Basahin sa Mateo 5:34-37; Santiago 5:12.

Labag Sa Paghihiwalay At Kasalanan Na Pag-Aasawang-Muli

Ang paghihiwalay at pag-aasawang muli ang bumubuo ng kasalanang pangangalunya. Ang tanging pinapahintulutan na mga dahilan para sa pag-aasawang muli ay ang pakikiapid o pakikipagtalik ng hindi kasal at kamatayan. Gayunpaman, ang pakikiapid o pakikipagtalik ng hindi kasal ay hindi pagtataksil o karaniwang pangangalunya, kundi ito ay isang estado ng pagiging may-asawa sa isa pang may asawang babae o lalake. Tingnan sa Mateo 5:32; 14:3, 4; 19:3-12; Marcos 10:12; Lucas 16:18; Roma 7:2, 3; 1 Corinto 5:1-5, 13; 6:9, 13, 16-18; 7:2, 10, 11; Gawa 15:28, 29; Pahayag 2:20-22.